^

PSN Palaro

Ayo daraan sa butas ng karayom

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Bago ma-lift ang ban

MANILA, Philippines — Hindi magiging madali ang pag-apela ni dating University of Santo Tomas (UST) head coach Aldin Ayo upang maalis ang indefinite ban na ipinataw ng UAAP.

Daraan muna sa butas ng karayom si Ayo bago makuha ang inaasam na pagbabalik coaching sa liga.

Maaari namang direktang sumulat si Ayo sa UAAP upang personal na hingin ang kapatawaran at rekonsi-derasyon sa parusang indefinite ban.

Ngunit ayon sa ilang ulat, kailangang may isang unibersidad na magsumite ng apela sa UAAP Board of Managing Directors (BMD) na siya namang magpupulong para gumawa ng rekomedasyon.

Iaakyat ang rekomendasyon ng BMD sa UAAP Board of Trustees na siyang magbibigay ng pinal na desisyon sa apela ni Ayo.

Wala na sa UST si Ayo dahil nagdesisyon itong magbitiw sa unang linggo ng Setyembre.

Kaya’t walang unibersidad na maaaring gumawa ng apela para kay Ayo.

Maliban na lamang kung papayag ang UST na gumawa ng apela at muling kunin ang serbisyo ni Ayo.

Isa pang posibleng paraan ang pagpasok ni Ayo sa bagong UAAP school na siyang gagawa ng apela para matanggal ang indefinite ban nito.

Malaking sugal ito para sa lilipatang unibersidad ni Ayo dahil nakasaad sa indefinite ban na hindi ito maaa­ring masilayan sa anumang UAAP-sanctioned activities.

Posibleng payagan lang itong mag-coach sa loob ng unibersidad o training facility ng team na hahawakan nito ngunit hindi sa aktuwal na UAAP games.

Kaya naman inaasahang magiging madugo ang proseso bago makuha ni Ayo ang pagkakataong muling makahawak ng koponan sa UAAP.

Napatawan ng indefinite ban si Ayo matapos pamunuan ang Growling Tigers sa isang “training bubble” sa Sorsogon.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with