^

PSN Palaro

No way!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Chua sa tsismis na comeback ni Ayo sa Letran

MANILA, Philippines — Binasag ni San Miguel sports head Alfrancis Chua ang haka-hakang magba­balik si Aldin Ayo sa kampo ng Colegio de San Juan de Letran.

Usap-usapan sa social media ang posibilidad na pagbabalik ni Ayo sa Intramuros-based squad matapos masangkot sa “training bubble” sa Sorsogon ng University of Santo Tomas.

Ngunit agad itong itinanggi ni Chua dahil walang balak ang Letran na palitan ang kasalukuyang head coach nitong si Bonnie Tan.

“Not under my umbrella. No way,” ayon sa comment ni Chua sa social media.

May ginagampanang papel si Chua sa Letran dahil  isa ito sa kinatawan ng San Miguel para bantayan ang sports development program ng Knights.

May kasunduan ang San Miguel at Letran para pagtulungang palakasin ang sports program ng paaralan.

Malaki ang tiwala ng Letran kay Tan na siyang na­nguna para maibalik sa kampo ng Knights ang kampeonato ng NCAA noong Season 95.

Nagsimula si Ayo sa collegiate coaching noong 2015 kung saan gumawa agad ito ng ingay nang dalhin sa kampeonato ang Letran.

Subalit lumipat si Ayo sa De La Salle University noong 2016 hanggang 2017 bago tumawid patu­ngong UST noong 2018. 

vuukle comment

ALFRANCIS CHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with