Heat dinalawahan ang Bucks
Rockets pinatalsik ang Thunder sa 1st round
LAKE BUENA VISTA, Florida — Kalmadong isinalpak ni Jimmy Butler ang dalawa niyang free throws nang wala ng oras para ilusot ang No. 5 Miami Heat laban sa top-seeded Milwaukee Bucks, 116-114, at itarak ang 2-0 lead sa kanilang Eastern Conference semifinal series.
Tinapos ni Butler ang laro na may 13 points.
“I knew I was going to make one,” wika ni Butler. “That’s all that we needed.”
Napunta si Butler sa foul line matapos siyang bigyan ng foul ni Milwaukee star Giannis Antetokounmpo sa kanyang tangkang jump shot.
Ang Miami ang unang No. 5 seed sa NBA history na kumuha ng 2-0 series lead laban sa isang No. 1 seed kagaya ng Milwaukee.
Pinamunuan ni Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 29 points at 14 rebounds habang may 23 markers si Khris Middleton.
Isinara naman ng Houston Rockets ang kanilang first-round series ng Oklahoma City Thunder sa 4-3 matapos angkinin ang 104-102 panalo sa Game Seven ng kanilang first-round playoff series.
Isang krusyal na block shot ni James Harden at 20 points ni Russell Westbrook ang naghatid sa Rockets sa Thunder sa semifinal series kontra sa top-seeded Los Angeles Lakers sa Western Conference.
Tumipa si Harden, ang NBA leading scorer, ng malamyang 4-for-15 fieldgoal shooting para sa Houston.
Matapos kunin ng Houston ang 103-102 abante sa huling 1:25 minuto ng fourth period mula sa basket ni P.J. Tucker ay sinupalpal naman ni Harden ang 3-point attempt ni Lu Dort sa posesyon ng Thunder sa natitirang 4.8 segundo tungo sa panalo.
- Latest