US pro leagues magiging model para sa mga sports sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Ang mga ginagawang health at safety protocols ng United States sa kanilang mga professional leagues ang magiging batayan ng mga liga rito sa Pilipinas.
Ang mga pro sports na binuksan ng US sa kabila ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID19) pandemic ay ang basketball, baseball, tennis, boxing at mixed martial arts.
“Sa fear and anxiety of COVID-19 mag-isip ka talaga na maglalaro ka ba because there is a disruption of money or business o mayroon mga taong mamamatay diyan,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez. “Ibabalanse iyan sa mga namamahala sa baseball, football, basketbal leagues.”
“Kaya nga nanonood tayo kung ano ang mga parameters nila, mga protocols at susundan natin iyan,” dagdag nito.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay nahinto ang pag-eensayo ng mga miyembro ng Philippine national team sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City at Philsports Arena sa Pasig City.
“Ako ay naniniwala na kung magkakaroon ka ng track and field competition, walang masyadong problema iyan kasi distansiyado sila eh. There are sports na puwede mong i-allow,” sabi ni Ramirez.
Hinihintay pa rin ng sports agency ang ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes
- Latest