^

PSN Palaro

Blazers kakasahan ang Grizzlies sa play-in series

Pilipino Star Ngayon

LAKE BUENA VISTA, Fla.— Nagwakas na ang 22 sunod na postseason appearances ng San Antonio Spurs habang umabante ang Memphis Grizzlies sa play-in tournament sa NBA restart season kahapon dito sa Walt Disney World.

Kumamada si Rayjon Tucker ng 18 points at may 13 markers si Jarrell Brantley para akayin ang Utah Jazz sa 118-112 pagkakait sa Spurs  ng silya sa Western Conference play-in series.

Nagdagdag sina Fil-Am guard Jordan Clarkson at Donovan Mitchell ng tig-11 points para sa Jazz na sasagupa sa Denver Nuggets sa first round ng playoffs sa susunod na linggo.

Opisyal na napatalsik ang Spurs nang talunin ng Grizzlies ang Milwaukee Bucks, 119-106, at sunugin ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, 128-102.

Nagtala sina Jonas Valanciunas at Ja Moranth ng triple-doubles habang tumipa si Dillon Brooks ng 31 points para ibigay sa Grizzlies ang tiket sa play-in tournament sa Western Conference playoffs.

Magsisimula bukas ang play-in round na magtatapat sa No. 8 Portland Trail Blazers, may bitbit na ‘twice-to-beat advantage, laban sa No. 9 Grizzlies kung saan ang mananalo ang haharap sa top-see­ded Los Angeles Lakers sa first round.

Tumipa si Damian Lillard ng 42 points, ang 12 ay ibinuhos niya sa fourth quarter, para akayin ang Blazers sa 134-133 pagtakas sa Brooklyn Nets.

Ang panalo ng Blazers ang tuluyan nang sumibak sa Suns, nakahugot kay Devin Booker ng 27 points sa pananaig sa Mavericks para iposte ang 8-0 record sa restart.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with