^

PSN Palaro

De Los Santos pasok sa Finals ng E-Tournament

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang matikas na ratsada ni Orencio James De Los Santos matapos umabante sa final round ng men’s kata seniors event ng Athletes’ E-Tournament.

Nakapasok sa gold-medal match si De Los Santos nang pataubin nito sina Alfredo Bustamante ng Amerika sa iskor na 24.8-24 at Angel Sanchez ng Bolivia sa pamamagitan ng dikit na 24.6-24.5 desisyon.

Makakaharap ni De Los Santos sa championship showdown si world ranked No. 1 Eduardo Garcia ng Portugal sa torneong nilahukan ng matitikas na karatekas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Umaasa si De Los Santos na makakaresbak ito kay Garcia na siyang tumalo sa kanya sa finals ng Adidas Karate World Open Series noong Hulyo.

Galing si De Los Santos sa matagumpay na pagkopo ng gintong medalya sa men’s kata seniors event ng 2020 Balkan Open Karate eTournament may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nakaginto rin si De Los Santos sa E-Tournament Korokotta Cup na tinaguyod ng Spain noong Hunyo 16.

Dahil sa kanyang magagandang resulta, umangat na sa world ranking si De Los Santos na kasalukuyang nasa ikalawang puwesto sa likod ni Garcia.

vuukle comment

KARATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with