^

PSN Palaro

Gising PSC!—Go

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gising PSC!�Go
William “Butch” Ramirez
STAR/ File

Allowance ng athletes delayed

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Bong Go sa Philippine Sports Commission (PSC) na tutukan ang pangunahing pangangailangan ng mga miyembro ng national team.

Partikular na tinukoy ni Go ang monthly allowances ng mga atleta matapos makatanggap ang opisina ng senador ng kaliwa’t kanang reklamo sa delay na pagla­labas ng allowances.

Malaking bagay ang monthly allowances para sa mga atleta lalo pa’t dumaranas ng krisis ang bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Karamihan sa mga atleta ay sumasandal lamang sa buwanang allowances partikular na ang mga atletang nasa Maynila at malayo sa kanilang pamilya.

Ayon kay Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Sports, may mga atletang hindi pa nakatatanggap ng allowances para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Kaya naman agad nitong kinalampag ang pamunuan ng PSC sa pangunguna ni chairman William “Butch” Ramirez.

“Tinatawagan ko ng pansin ang pamunuan ng PSC kung maaaring tingnan ang reklamong ito. Ayusin ang dapat ayusin at ibigay ang dapat ibigay,” ani Go.

Sinabi ni Go na ito ang panahon upang tutukan ng husto ang pangangailangan ng mga atleta na itinuturing na bayani ng bansa dahil sa mga karangalang ibinibigay nito sa international competitions.

Matatandaang kinaltasan kamakailan ng PSC ang allowance ng athletes at coaches dahil sa kakulangan sa pondo.

vuukle comment

PSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with