^

PSN Palaro

NBA G League stint malaking tulong kay Sotto — Reyes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
NBA G League stint malaking tulong kay Sotto � Reyes
Kai Sotto
Twitter/Metro Classic

MANILA, Philippines — Magandang pagkaka­taon para kay Kai Sotto na mahasa ng husto ang kanyang talento sa pagsalang nito sa NBA G League.

Para kay dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, walang duda na malalim ang kakayahan ng 7-foot-2 cager.

At naniniwala ito na mas tataas ang kalidad ng laro ni Sotto sa pagharap nito sa mas beteranong players sa G League.

Pangunahing kaila­ngang mahasa kay Sotto ang lakas nito.

“I have no worries about Kai’s skills because he has all the skills for a basketball player. He’s a great ball-handler, a great shooter, great  passer ’cause he sees the game very well. For me it’s really his strength,” ani Reyes sa Coaches Unfiltered online program na iprinisinta ng Smart.

May mga bagay pang kailangang plantsahin si Sotto para mas lalong ma­ging halimaw ang kanyang laro.

Bata pa naman ang 18-anyos na si Sotto.

Maganda rin ang trai­ning character nito na uhaw na uhaw matuto ng mga bagong istilo.

Kaya naman walang duda na magiging malakas na puwersa ito sa mga susunod pang taon.

 Hahawakan si Sotto ng isang veteran coach sa ngalan ni dating NBA player Brian Shaw na inaasahang magbibigay ng dagdag kaalaman para sa Pinoy player.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with