^

PSN Palaro

Pacquiao kuntento sa welterweight division

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao kuntento sa welterweight division
Mismong si Manny Pacquiao na ang nagpahayag na kuntento ito sa kanyang weight class sa ngayon dahilan upang basagin ang naglabasang ulat ng posible nitong pagharap kay world champion Gennady Golovkin.
AFP

Walang balak umakyat sa middleweight

MANILA, Philippines — Walang balak si reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao na uma­ngat pa sa timbang para makuha ang ninth-division world championship belt sa kanyang mga susunod na laban.

Mismong si Pacquiao na ang nagpahayag na kuntento ito sa kanyang weight class sa ngayon dahilan upang basagin ang naglabasang ulat ng posible nitong pagharap kay world champion Gennady Golovkin.

Nasa middleweight division si Golovkin na kasaluku­yang may hawak ng Internanational Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) titles.

Subalit masyadong malaki para kay Pacquiao ang tulad ni Golovkin.

At wala itong balak na lumaban sa middleweight class na itinuturing ng kara­mihan na isang malaking pagkakamali sakaling kagatin ito ng Pinoy champion.

“Kung 147 okay lang naman pero kung mas mataas pa dun parang masyadong malaki na sa akin,” ani Pacquiao.

Posible pang pag-isipan ni Pacquiao kung papalo sa 154 pounds ang weight class para sa laban nito kay Golovkin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with