^

PSN Palaro

PBA teams maghihintay na lamang

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na magtungo sa GCQ areas

MANILA, Philippines — Magkakaiba ang pa­nanaw ng ilang Philippine Basketball Association (PBA) teams sa posibilidad na makapag-ensayo sa General Community Quarantine (GCQ) areas.

Karamihan sa mga koponan ay mas nanaisin na lamang maghintay sa Metro Manila sa halip na magtungo sa mga GCQ areas para masimulan ang kani-kanilang training.

Para kay Magnolia team governor Rene Pardo, magiging madugo itong proseso hindi lamang sa mga team owners maging sa mga players, coaches at officials.

Daraan sa butas ng karayom bago maayos ang lahat ng requirements upang makapag-ensayo lamang.

Sa halip, sa kani-kanyang bahay na lamang nag­pa­pakundisyon ang mga players habang naghihintay ng panibagong go signal mula sa Inter-Agency Task Force.

Magugunitang pinayagan na ang PBA teams na makapag-ensayo sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) na nilagdaan ng Games and Amusements Board, Department of Health at Philippine Sports Commission.

Ngunit naudlot na naman ito matapos ilipat ang Metro Manila mula sa GCQ sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kung saan walang team training ang pinapayagan.

vuukle comment

GCQ

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with