^

PSN Palaro

Mga dahilan bakit kailangan natin mag-exercise sa panahon ng pandemya

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan kahit na alam nating maganda ang benepisyong dulot ng ehersisyo para sa pang araw-araw nating buhay, hindi natin ito siniseryoso. Kung minsan ay hindi nga natin ito pinahahalagahan.

Bagama’t tila huminto ang mundo natin dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 virus, dapat nating alalahanin ang ating kalusugan. Kaya naman liban sa pag-inom ng mga bitamina, kailangan natin kumilos araw-araw. Maging aktibo tayo sa bahay at iwasan ang paghilata magdamag at walang inaatupag.

Regular dapat ginagawa ang ehersisyo sapagkat walang ibang gamot na kayang kumitil sa benepisyong dulot nito. Hinihikayat ko hindi lamang ang mga manlalaro kundi ang mamamayang Filipino na ugaliin ang pag-e-exercise sapagkat importante ito lalo sa panahon ng pandemya.

Sa panahon ngayon, kailangan pa rin natin pataasin ang ating enerhiya. Sa pag-e-exercise tumataas ang cardiovascular system natin. Napapabuti ang sirkulasyon ng dugo kung saan nakakakuha ng sapat na oxygen at nutrisyon ang muscles. Bukod pa riyan, napapanatili natin ang tamang timbang dahil sa paggalaw marami ang calories na nasusunog. Dito gumaganda ang metabolismo. Nag-i-improve rin ang pag-function ng brain kung saan napapabuti ang lebel ng konsentrasyon, magandang memorya, wastong pagdedesisyon tamang paghuhusga sa mga bagay-bagay.

Ngayong kinakaharap ng buong mundo ang sakit na dulot ng coronavirus, napakahalagang patatagin natin ang ating immune system. Sa ehersisyo gumaganda ang daloy ng oxygen at nutrients sa katawan. Sa paraang ito, nasusuplayan ng kinakailangang fuel ang cells na lumalaban sa mga bacteria at viruses. Gumaganda rin ang tulog kapag nakakapag-ehersisyo. Lagi pa ring mainam para sa katawan ang maayos na pahinga dahil kapag husto ang tulog, gumaganda ang kabuuang kalusugan natin. Gumaganda ang mood at nababawasan ang stress kapag regular tayong nag-eehersisyo dahil nare-release ang endorphins na siyang nagpapagaan ng ating pakiramdam at nagpapakalma ng isipan.

Bawal magkasakit! Mga kababayan ko, ingatan natin ang ating mga sarili dahil habang iniingatan na­tin ang mga sarili natin ay iniingatan din natin ang iba.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with