Grizzlies laglag sa Jazz
Thunder pinasuko ang Lakers
LAKE BUENA VISTA, Florida -- Humugot si Joe Ingles ng 12 sa kanyang 25 points sa fourth quarter para tulungan ang Utah Jazz sa 124-115 paggupo sa Memphis Grizzlies sa NBA restart season kahapon dito.
Nagtala si guard Mike Conley ng 23 points at 7 assists para sa Jazz (43-25), inungusan ang Houston Rockets (42-25) para sa fourth spot sa Western Conference standings.
Umiskor si Dillon Brooks ng 23 points habang nagdagdag si Grayson Allen ng career-high 20 points kasama ang anim na 3-pointers para sa ikaapat na kabiguan ng Grizzlies sa seeding round.
Kumolekta naman si guard Chris Paul ng 21 points, 7 rebounds at 6 assists para akayin ang Oklahoma City Thunder sa 105-86 pagdaig sa Los Angeles Lakers.
Tumipa si Danilo Gallinari ng 19 points at may 18 markers si Steven Adams para sa Thunder (42-25) na nakasosyo ang Rockets sa fifth place.
Nagsalansan si LeBron James ng 19 points at 11 rebounds sa panig ng Lakers (51-16).
Pumukol naman si Jaylen Brown ng 21 points tampok ang limang triples para ihatid ang Boston Celtics sa 149-115 pagmasaker sa Brooklyn Nets.
Nag-ambag si Jayson Tatum ng 19 points kasunod ang tig-18 markers nina Gordon Hayward at Robert Williams.
Kumonekta si Fred VanVleet ng 21 points at 10 assists para sa 109-99 panalo ng nagdedepensang Toronto Raptors kontra sa Orlando Magic.
Humataw naman si Michael Porter Jr. ng 30 points at 15 rebounds para sa 132-126 pagpapatumba ng Denver Nuggets kontra sa San Antonio Spurs.
- Latest