Mask useless sa NBA bubble--Howard
MANILA, Philippines — Naiirita si Los Angeles Lakers Dwight Howard sa regulasyon ng NBA na pagsusuot ng face mask sa loob ng Walt Disney World o mas kilala sa tawag na NBA bubble sa Orlando, Florida.
Para kay Howard, hindi na kailangan pa ng face mask dahil lahat ng manlalarong nasa bubble ay sumailalim na sa swab testing kung saan hindi pinapayagang makapasok ang mga magpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Hindi rin maaaring lumabas ang sinumang nasa loob ng bubble kaya’t malabong makakuha ito ng coronavirus sa mismong loob ng quarantine environment.
“I personally don’t see a risk of us getting it during the time period that we’re here. We’re not allowed to leave the bubble. We’re only around each other every day. I just feel like it would be pointless for somebody to say anything,” ani Howard sa panayam ng USA Today.
Maya’t maya rin ang pagsasagawa ng testing para masiguro na walang manlalarong nasa loob ng bubble ang nagtataglay ng virus.
Alam ni Howard na importanteng gumamit ng face mask lalo na ang mga nasa kani-kanyang komunidad sa iba’t ibang panig ng Amerika.
Ngunit kung ang komunidad ay katulad ng bubble na nagpapatupad ng mahigpit na patakaran gaya ng NBA bubble, sinabi ni Howard na “useless” ang pagsusuot ng face mask.
- Latest