^

PSN Palaro

PVL, MPBL naghahanap ng bagong kapamilya

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PVL, MPBL naghahanap ng bagong kapamilya
Ricky Palou
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Naghahanap na ng bagong tahanan ang Premier Volleyball League (PVL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) matapos mabigong makakuha ng franchise renewal ang ABS-CBN.

Ayon kay PVL chief Ricky Palou, pag-uusapan na ng buong liga kasama ang mga teams ang naturang isyu upang masimulan na ang pakikipag-negosasyon sa mga television networks.

Wala pang pinal na desisyon ang liga kung saang network ito lilipat. Nakabase ito sa magiging suhestiyon ng bawat team owners.

“We are now looking at other networks as an option. But nothing’s final. We are consulting the teams on what they think,” ani Palou.

Nauna nang nagpahayag si MPBL commissioner Kenneth Duremdes na naghahanap na rin ng bagong broadcast team ang liga para sa mga susunod na edisyon nito.

Naging katuwang ng PVL at MPBL ang ABS-CBN sa pamamagitan ng Sports+Action Channel 23 nito sa pagsasahimpapawid ng mga laro ng dalawang liga sa nakalipas na mga taon.

Ngunit dahil sa kabiguang makakuha ng bagong prangkisa, nagdesisyon ang giant network na buwagin na ang sports channel nito.

Kaliwa’t kanan ang nadamang lungkot ng mga atleta kabilang na ang mga volleyball players na nagsilbing tulay ang ABS-CBN sports upang sumikat at magkaroon ng malawak na fanbase.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with