^

PSN Palaro

Estratehiya kay Pacquiao pinaplantsa na ni Garcia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Estratehiya kay Pacquiao pinaplantsa na ni Garcia
Mikey Garcia
AFP

Maigi nang handa

MANILA, Philippines — Hindi pa man pormal na naikakasa ang laban, inihahanda na ni dating world champion Mikey Garcia ang magiging armas nito laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Patuloy ang pag-iingay ni Garcia na gigil na makuha ang karapatang makalaban si Pacquiao sa pagdepensa ng Pinoy champion sa kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Alam ni Garcia ang matinding labang haharapin nito laban sa isang legendary boxer gaya ni Pacquiao.

Kaya naman kailangang mapag-aralan ng husto ang magiging taktika nito sa oras na makaharap ang Pinoy pug.

Handa si Garcia. Mataas ang kumpiyansa nito na kaya nitong makipagsabayan sa bilis at tikas ni Pacquiao.

“I feel that I would be able to box and counterpunch, use my skills that way to try to make the fight in my favor,” ani Garcia sa Fight Hype.

Ayaw nitong magpakorner kay Pacquiao dahil posibleng ito ang maging mitsa ng kanyang pagkatalo.

Kabisado na ni Garcia ang galaw ni Pacquiao.

At walang puwang ang anumang pagkakamali kung ayaw nitong lumagapak sa kanyang mukha ang isang solidong suntok mula sa Pinoy bet.

vuukle comment

MIKEY GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with