^

PSN Palaro

PBA lalapit ulit sa IATF

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PBA lalapit ulit sa IATF
Willie Marcial
STRA/ File

Scrimmages hihilinging payagan na rin

MANILA, Philippines — Muling dudulog ang Philippine Basketball Association (PBA) Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para hilinging payagan ang scrimmages.

Nauna nang pinahintulutan ng IATF ang lahat ng koponan sa PBA na makapag-ensayo subalit walang scrimmages at 5-on-5 practices para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaya naman lalapit ang PBA sa IATF para  masimu­lan na rin ang mas intensibong workout bilang pag­hahanda sa muling pagbubukas ng liga.

Target ni PBA commissioner Willie Marcial na masi­mulan ang scrimmages sa  Agosto sakaling makakuha ito ng go-signal mula sa IATF na siyang nagpapatupad ng mga patakarang may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Bago magsimula ang ensayo, kailangan munang sumailalim sa swab testing ang lahat ng miyembro ng isang koponan para masiguro na walang coronavirus ang mga sasalang sa practice.

Tiniyak din ni Marcial na sasagutin ng team ow­ners ang lahat ng gastusin sa hospital sinuman ang tamaan ng virus.

“Sasagutin ng teams lahat ng hospital expenses ‘pag nagka-COVID ang players. Just like when players get injured. So there’s no need for any insurance,” ani Marcial.

Kaya naman kaila­ngang maging disiplinado ang lahat ng players, c­oaches at officials sa pagsunod sa matinding patakarang ipatutupad sa ensayo.

Maglalatag din ng ma­tinding parusa sinuman ang lumabag sa mga pata­karang ipatutupad.

Kung dati, sa tuwing lalabag ang mga manlalaro sa quarantine rules, tanging PBA lamang ang nagpapataw ng parusa at multa.

Ngayon, maliban sa PBA, magbibigay din ng parusa at penalty ang mother team sakaling lu­mabag ang isang miyembro ng koponan nito.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with