^

PSN Palaro

Kai nagpasiklab sa Amerika

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Inilabas ni Pinoy teen sensation Kai Sotto ang bangis nito sa isang Pro-Am summer league sa Amerika--bagay na nagpapatunay na handa na itong sumalang sa mabigat na laban sa NBA G League.

Tuluy-tuloy ang regular workout ng 7-foot-2 cager kaya’t hindi nawawala ang magandang kundisyon ng pangangatawan nito.

Malayo na ang hubog ng kanyang katawan sa ka-salukuyan kumpara nang umalis ito sa Pilipinas noong nakaraang taon para sumailalim sa matinding training camp sa Amerika.

Mahigit isang taon din itong sumalang sa training sa The Skill Factory na nagbunga ng maganda hindi lamang sa kanyang pangangatawan maging sa estilo at bilis.

Kaya naman walang sinayang na sandali ang 18-anyos na dating Ateneo de Manila University standout para ipamalas ang kanyang husay sa The Smith League sa Cincinnati.

Inilabas ng Overtime - isang US-based website - sa kanyang Instagram account ang video na nagpapakita ng lakas ni Sotto sa shaded area.

Isang slam dunk pa ang inilatag ng dating UAAP Juniors MVP.

“Kai Sotto looking ready for the G League,” ayon sa Instagram story ng Overtime.

Malayung-malayo na ang galawan ni Sotto sa loob ng court.

Mula sa high school player, tila isang professional basketball player na ito kung kumilos. Na-develop na rin ang kanyang pangangatawan ngunit inaasahang mas lalo pa itong mahuhubog sa pagpapatuloy ng kanyang training sa Amerika.

Sasalang si Sotto sa NBA G League para sa isang select team kasama si Filipino-American Jalen Green. Hahawakan ang kanilang tropa ni dating Los Angeles Lakers star Brian Shaw.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with