National taekwondo jins dapat magpakondisyon
MANILA, Philippines — Hindi maiiwasang ‘mangalawang’ ang mga miyembro ng Philippine national taekwondo team dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kaya ang tanging magagawa na lamang nila ngayon ay ang magpakondisyon, ayon kay Stephen Fernandez, ang grassroots development head ng Philippine Taekwondo Association (PTA).
“Our athletes, they will feel a certain degree of rust when they get back to competition,” ani Fernandez. “Mga pambato natin, they are sparring athletes, something they cannot do now. The best they can do now is conditioning.”
Dahil sa COVID-19 pandemic ay nawala na ang regular na sparring ng mga national taekwondo jins na kailangan sa kanilang paghahanda sa pagsabak sa mga international tournaments.
Isa si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Pauline Lopez sa mga naghahangad ng tiket para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan.
- Latest