^

PSN Palaro

Plania inspirasyon si Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Plania inspirasyon si Pacquiao
Napaiyak si Mike Plania matapos magwagi kay Joshua Greer noong nakaraang buwan sa Las Vegas, Nevada.

MANILA, Philippines — Unti-unti nang naaabot ni Mike Plania ang pangarap nito.

Gumawa ng ingay ang 23-anyos Pinoy bo­xing sensation matapos gimbalin si World Boxing Organization ranked No. 1 bantamweight contender Joshua Greer noong Miyerkules sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.

At malaking bahagi ng kanyang boxing career si eight-division world champion Manny Pacquiao na nagsisilbi nitong inspirasyon.

Balang-araw, nais ni Plania na maabot ang tagumpay na tinatamasa ni Pacquiao.

“For me, even before I started boxing my idol was Manny Pacquiao,” pahayag ni Plania sa Bo­xing Scene.

Siyam na taong gulang pa lamang si Plania nang pumasok ito sa isang bo­xing gym sa General Santos City noong 2006.

Madalas niyang nakikita si Pacquiao sa mga victory parade nito.

At dito nabuo ang pa­ngarap ni Plania na ma­ging tulad ng isang “Manny Pacquiao.”

Nais ni Plania na tularan ang bawat hakbang na ginawa ni Pacquiao para makarating sa tugatog ng tagumpay.

Ang tulad ni Pacquiao na masipag sa ensayo, may dalang determinasyon, may pagmamahal sa bansa, matulungin sa kapwa, mapagmahal sa pamilya at higit sa lahat may takot sa Diyos.

Mga bagay na tunay na hinahangaan kay Pacquiao hindi lamang sa mundo ng boksing maging sa labas ng ring.

Kaya naman isa si Pacquiao sa mga pinaka-popular na boksingero sa buong mundo.

Hangad ni Plania na maging tulad ni Pacquiao.

Ang maipagmalaki ng mga kababayan at ma­kapagbigay ng karangalan sa bansa.

Humanga ang boxing world sa naging panalo nito kay Greer. Subalit hindi pa tapos ang laban.

Nagsisimula pa lang si Plania na tiyak na aaba­ngan sa kanyang susunod na pakikipagsapalaran.

vuukle comment

MIKE PLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with