^

PSN Palaro

Cardinals nakadagit ng 3 players

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumali na rin ang Mapua University sa rebuil­ding process habang nakaabang ang lahat sa pagbubukas ng NCAA na isa sa mga naapektuhan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Tatlong manlalaro ng Technological Institute of the Philippines (TIP) ang hinugot ng Cardinals upang palakasin ang koponan nito sa men’s basketball.

Pasok na sa Mapua program sina Ivan Santos, Jopet Soriano at Marlon Navarro.

Una nang napabalita na sa University of Santo Tomas sana papasok si Santos. Subalit mas pinili nito na sumama sa Cardinals sa NCAA.

Nagtala si Santos ng averages na 8.9 points at 4.7 rebounds para sa Engineers sa 2019 PBA D-League Foundation Cup.

Sa kabilang banda, umiskor naman ang 6-foot-3 na si Soriano ng ave­rages na 4.5 points, 1.0 rebound at 1.0 assist sa naturang torneo habang may averages na 1.6 points at 4.0 rebounds ang 6-foot-4 na si Navarro.

Sa Season 97 pa maaaring maglaro sina Santos, Soriano at Navarro suot ang Cardinals jersey.

Nagkawatak-watak ang Engineers matapos magdesisyon ang pamunuan ng TIP na buwagin ang athletic program nito dahil sa problemang pinansiyal dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nakahanap na ng bagong tahanan ang ibang miyembro ng koponan.

Sa La Salle napunta si Warren Calara habang Far Eastern University naman ang napili ni Ximone Sandagon.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with