^

PSN Palaro

Aguilar, 2 pa ipatatawag ng PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Aguilar, 2 pa ipatatawag ng PBA
Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra (nag-dunk)
STAR/File

Lumabag sa GCQ rules?

MANILA, Philippines — Ipatatawag ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang ilang manlalaro nito kasama na ang iba pang players na nakita sa isang video na naglalaro sa isang basketball gym.

Kinilala ang mga manlalaro sa video na sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Isaac Go na kinuha ng Columbian Dyip sa nakalipas na PBA Roo­kie Draft  at Thirdy Ravena na nakatakdang maglaro sa B.League sa Japan.

Hindi nakita sa video si Adrian Wong ng Rain or Shine ngunit nasilayan ito sa ilang lumabas na group photos na walang social distancing.

Sina Go at Ravena ay bahagi ng Gilas Pilipinas na binabantayan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas.

Naganap ang laro sa Ronac Gym sa Greenhills sa San Juan City.

Mismong si PBA commissioner Willie Marcial ang kakastigo sa mga nabanggit na manlalaro kung saan kukunin nito ang paliwanag ng bawat isa.

“Kukunin ko muna ang side nila. Kakausapin ko lang,” ani Marcial.

Ipinagbabawal pa ang contact sports gaya ng basketball base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Nagsumite na ng rekomendasyon ang PBA sa IATF para mabigyan ng pagkakataon na makapag-ensayo ang mga koponan.

Subalit wala pa itong go signal mula sa IATF, Department of Health at iba pang sangay ng gobyernong humahawak sa COVID-19 crisis.

Kaya naman hindi pa pinapayagan ang anumang basketball activities kabilang na ang practice sessions.

Nagpadala ng memo si Marcial sa lahat ng koponan sa liga upang huwag pahintulutan ang kanilang mga players na lumahok sa anumang training o scri­mages bilang pagsunod sa ipinatutupad na patakaran ng IATF.

Wala pang inilalabas na komento ang kampo nina Aguilar, Ravena, Go at Wong.

vuukle comment

JAPETH AGUILAR

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with