^

PSN Palaro

Plania balik Pilipinas sa Hulyo 3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Plania balik Pilipinas sa Hulyo 3
Mike Plania
STAR/File

MANILA, Philippines  — Nakatakdang dumating sa bansa si Pinoy boxing sensation Mike Plania sa Hulyo 3 matapos ang kanyang impresibong panalo kay World Boxing Organization ranked No. 1 bantamweight contender Joshua Greer noong nakaraang buwan.

Ngunit hindi tulad ng nakagawian, walang grand welcome para kay Plania dahil sasailalim ito sa quarantine period pagdating nito sa Pilipinas bilang bahagi ng protocol na ipinatutupad ng gobyerno.

Handa namang sumunod sa patakaran si Plania upang maging magandang halimbawa sa lahat ng mga Pilipinong bumabalik sa bansa - mapa-Overseas Filipino Workers man o regular na turista o Pinoy na galing sa ibang bansa.

Magandang pagkakataon din ito upang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ni Plania maging ng mga makakasalamuha nito sa Pilipinas.

“I know all the hassles I will have to go through but it’s fine as long as everyone’s safety is ensured,” ani Plania.

Sabik na si Plania na makasama ang kanyang pamilya ngunit wala itong magagawa kundi sumunod sa regulasyon.

Sa oras na matapos na ang kanyang quarantine, saka na lamang ito magdaraos ng simpleng selebrasyon kasama ang kanyang mga katropa sa Sanman.

Mula Maynila, tutulak si Plania sa General Santos City kung saan ito nakatira at nagsasanay.

Pinag-aaralan na ng kampo ni Plania ang susunod na laban nito.

Isa sa plano ang umangat si Plania sa 122-pound weight class para makakuha ng world title bout.

vuukle comment

MIKE PLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with