^

PSN Palaro

Pinoy boxer nagpositibo sa rapid test

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

ABAP umaasang mag-negatibo sa swab test

MANILA, Philippines  — Isang miyembro ng national junior boxing team ang nagpositibo sa rapid test na isinagawa noong Biyernes sa Baguio City — ang training venue ng mga Pinoy boxers.

Mismong si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson ang nagkumpirma na isang junior boxer nga ang nagpositibo.

Nagulat si Picson dahil isa ang naturang boksingero sa pinakamasunurin sa mga miyembro ng national junior boxing team.

Wala naman itong pinupuntahan maliban sa athlete’s quarter at tindahan para bumili ng ilang mga personal na pangangailangan.

Sumusunod din aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad.

“Sabi nga sa akin ng mga coaches hindi naman naglalabas ‘yan. The only time he went out is to buy a soap and toothpaste dun lang naman sa kabila ang sari-sari store na pinupuntahan niya and he’s wearing facial mask. Nagtataka sila bakit siya lang (ang nag-positive),” wika ni Picson sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) weekly forum kahapon.

Dahil sa pagpositibo sa rapid test, itinuturing pa lamang na person under monitoring pa lang ang naturang boksingero.

Sumailalim na ito sa swab test upang makumpirma kung mayroon talaga itong coronavirus disease (COVID-19).

Sa usaping medikal, mas accurate o tama ang nakukuhang resulta ng mga doktor kung sasailalim ang isang pasyente sa swab test kumpara sa raid test.

Umaasa ang pamunuan ng ABAP na magiging negatibo ang resulta ng swab test ng bagitong boksingero.

Sumailalim sa rapid test ang lahat ng miyembro ng national boxing team gayundin ang mga coaches na nasa training camp sa Baguio City.

vuukle comment

ABAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with