^

PSN Palaro

Slaughter malaki ang ipinagbago ng laro ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Slaughter malaki ang ipinagbago ng laro ngayon
Greg Slaughter
STAR/File

MANILA, Philippines — Mas malakas, mas maliksi at mas payat.

Ito ang ipinoste ni seven-foot center Greg Slaughter sa isang video na tila nang-aakit sa Barangay Ginebra at sa iba pang PBA teams.

Sa kanyang inilagay na dalawang video posts ay ipinakita ni Slaughter na kaya niyang gawin ang isang behind-the-back dribble at dumadagundong na slam dunk.

Ginawa niya ito sa isang kilos lamang.

Nauna nang bumitaw si Slaughter sa Ginebra para tutukan ang kanyang personal training.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Slaughter kung babalik pa siya sa Gin Kings o tuluyan nang maghahanap ng bagong malilipatang koponan.

Noong Pebrero ay si­nimulan ni Slaughter ang pagbabakasyon sa basketball.

Anim na taong naglaro ang dating higante ng A­teneo Blue Eagles para sa Ginebra.

Sinuspinde ang PBA Season 45 noong Marso 11 tatlong araw matapos buksan ang 2020 PBA Phi­lippine Cup nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila bunga ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

Sa Agosto ay magdedesisyon ang PBA kung itutuloy ang season-ope­ning conference o tuluyan nang ibabasura ang Season 45.

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with