^

PSN Palaro

Mahabang preparasyon susi sa tagumpay-Valdez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mahabang preparasyon susi sa tagumpay-Valdez
Alyssa Valdez
Sports Vision

MANILA, Philippines — Mahabang ensayo ang nakikitang solusyon upang mas tumaas ang lebel ng national volleyball team na sasabak sa mga international tournaments.

Ito ang inihayag ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na naniniwalang malalim na programa ang kailangan para maabot ang inaasam na tagumpay ng pambansang koponan.

Maliban sa mahabang training, kailangan din aniya ng magandang exposure upang makasabay ang Pilipinas sa patuloy na pag-angat ng volleyball hindi lamang sa Southeast Asian region maging sa buong Asya.

Numero unong target ng tropa ang maibalik sa Pilipinas ang gintong medalya sa SEA Games na huli nitong nahawakan noong 1993 Singapore Games sa pangunguna ni Thelma Barina-Rojas.

“If you really train together or longer, have that preparation needed, anything is really possible,” ani Valdez.

Kasalukuyang No. 4 ang Pilipinas sa Southeast Asia. Nagtala ito ng bronze medal match laban sa Indonesia noong 2019 SEA Games na ginanap sa Philsports Arena.

Kulang-kulang pa ang miyembro ng national team sa naturang laro dahil wala sina Jaja Santiago at Dindin Manabat gayundin sina Filipino-Americans Kalei Mau at Alohi Robins-Hardy.

Kung mabubuo ng solido ang koponan kasama ang apat na nabanggit na manlalaro, malaki ang posibilidad na makapasok sa finals ang Pilipinas at mabigyan ng magandang laban ang powerhouse at reigning champion Thailand.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with