^

PSN Palaro

Diaz mas maingat na sa social media

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diaz mas maingat na sa social media
Hidilyn Diaz

Para makaiwas sa bashers

MANILA, Philippines — Ingat na ingat na si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa paglalabas ng opinyon nito upang makaiwas sa matinding bashing sa social media.

Marami nang natutu­nan si Diaz sa kanyang mga nakalipas na karanasan at natuto na ito kung paano i-handle ang mga sitwasyon tulad ng social media ba­shing ng mga trolls.

Magugunitang umani ng batikos si Diaz nang mag-post ito sa social media ng kanyang mga kailangan sa kanyang training para sa Olympic Games.

May ilang naka-appreciate sa kanyang ginawa bilang atleta ngunit marami rin ang pumuna sa kanya.

Aminado si Diaz na malaki ang naging epekto nito sa kanya lalo na sa kanyang pamilya.

Hindi sanay ang 29-anyos sa mga ganung sitwasyon na itinuturing nitong first time experience.

Subalit mula sa natu­rang insidente, natuto na ito.

At hangga’t maaari, ayaw ni Diaz na mangyari rin ito sa kanyang mga kapwa atleta.

“Naging biktima rin ako sa bashing na hindi naging maganda para sa akin and ayokong mangyari yun sa ibang atleta. Kailangan na­ting protektahan ang sarili natin,” ani Diaz.

Maliban sa pilak sa Rio Olympics, naka-ginto rin si Diaz sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong 2018 at SEA Games sa Manila noong 2019.

Kasalukuyang nasa Malaysia si Diaz para sa kanyang training sa Tokyo Olympics at nasa mabuti itong kundisyon sa Malaysia at ligtas sa coronavirus disease (COVD-19).

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with