Yap kayang-kayang kunin ang No. 10 spot sa PBA all-time scoring list
MANILA, Philippines — Kung magiging maganda ang laro ni James Yap sa inaasahang pagbabalik ng 2020 PBA Philippine Cup ay maaari niyang ungusan sina Hall of Famers Allan Caidic at Jerry Codiñera sa all-time scoring list.
Kasalukuyang nasa No. 12 ang two-time PBA Most Valuable Player na si Yap sa scoring list mula sa kanyang 10,792 points sa ilalim nina Caidic (11,718) sa No. 10 at Codiñera (10,867) sa No. 11.
Iniwanan naman ni Yap sina basketball legends No. 13 Benjie Paras (10,367) at No. 14 Francis Arnaiz (10,292) at No. 15 Mark Caguioa (10,071) ng Ginebra.
Umaasa ang Rain or Shine veteran guard na muling maibabalik ang naudlot na All-Filipino conference na sinuspindi noong Marso 11 dahil sa pagputok ng coronavirus disease (COVID-19).
Noong Marso 8 ay binuksan ng five-time champions San Miguel at Magnolia ang season-opening tournament kung saan nagwagi ang mga Beermen laban sa mga Hotshots, 94-78.
Samantala, isa si Elasto Painters’ big guard Gabe Norwood sa pinakamabigat na nagbantay sa 38-anyos na si Yap sa liga.
Si Norwood ay anim na beses isinama sa PBA All-Defensive Team habang hinirang na Defensive Player of the Year noong 2009-10 season.
- Latest