^

PSN Palaro

‘Bubble environment’ isa sa mga protocols na gagamitin ng PBA sa kanilang pagbabalik-ensayo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
�Bubble environment� isa sa mga protocols na gagamitin ng PBA sa kanilang pagbabalik-ensayo
CJ Perez at Roosevelt Adams
PBA Image

MANILA, Philippines — Sakaling aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Department of Health (DOH) ang kanilang protocol para sa pagbabalik-ensayo ng mga PBA pla­yers ay ipapasok sila sa isang tinatawag na ‘bubble environment’.

Sa nasabing proseso ay pansamantalang patitirahin ng mga PBA teams ang kanilang mga players sa isang hotel para makaiwas mahawahan ng coronavirus di­sease (COVID-19).

“Ipapatawag ko ang mga team managers kung paano ang process ng bubble. As of now iyon ang minimum na sitwasyon,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial. “Pero kung magho-hotel sila or saan sila pupunta, ipapaalam sa PBA.”

Ang ‘bubble environment’ ay unang nasambit sa pulong ng NBA Board of Governors na magdaraos ng restart season sa Hulyo tampok ang 22-team format.

Noong Miyerkules ay inaprubahan ng PBA Board of Governors ang panukala ni Marcial para sa gagamiting guidelines sa pagbabalik-ensayo ng mga players.

Maliban sa pagkuha sa temperatura ng mga players ay dapat ding gumamit ang mga ito ng alcohol  habang apat na players kasama ang isang health officer at isang trainer ang papayagan sa bawat practice session.

Isasalim din sa disinfection ang gagamiting practice venues na angkop sa hospital standards at hindi papayagan ang mga player na gumamit ng showers sa practice facility.

Dadaan din ang mga players sa COVID-19 test tuwing ika-10 araw.

“Sana makapag-practice na tayo by July, baka earlier pa,” ani Marcial sa Season 45 na sinuspindi noong Marso 11 dahil sa COVID-19 pandemic.

vuukle comment

DOH

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with