^

PSN Palaro

PBA Superstars, nag-volunteer tumulong

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa malawakang pagsubok na hatid ng pandemikong COVID-19, umabot na ng higit sa dalawampung libo ang mga nagpositibo sa sinasabing virus, libu-libo ring mamayang Filipino ang nawalan ng trabaho at libu-libong frontliners din ang isinabak upang labanan ang kalabang hindi nakikita.

Sa gitna ng mga pangangamba nitong nakaraang ECQ, nakipagsapalaran ang ilang mga PBA Stars para mag-abot ng tulong sa ilang mga frontliners. Nakakatuwang isipin na walang takot na sumulong sina Jio Jalalon ng team Magnolia at Allyn Bulanadi ng Team Alaska.

“Matagal ko na talaga gusto tumulong dati pa, kaso di pa gaano sapat yung meron ako” bahagi ni Bulanadi na kaka-draft pa lang ngayon taon at kasisimula pa lang sa PBA ngunit mainit na ang pagkilala sa kanya ng mga tao dahil sa husay sa paglalaro ng basketball. Naging daan ang pagsubok na ito upang magkaroon ng pagkakataon si Bulanadi na maibalik sa kapwa ang mga blessing na natatanggap niya. Iyong  mga homeless na kababayan at mga frontliners na inuuna tayo at nagseserbisyo sa bansa ang pangunahing binisita niya upang abutan ng food pack at mga pagkain. Para sa kanya, sarap sa pakiramdam ang makatulong, “Nakakapagod ‘man pero parang nababawi lahat pag nakita mo yung ngiti nila.”

Sakabilang banda, si Jalalon naman ay nahabag noong isang araw na makita niya ang sitwasyon ng mga kapulisan at sundalong frontliners na babad sa ilalim ng init ng araw. Lahat ng checkpoint na malapit sa bahay niya ay sinadya niya talaga upang abutan ng pagkain, pang miryenda ng mga ito. “Na-motivate lang talaga ako sa mga frontliner kasi nga meron na nga tayong pandemic pero hindi pa rin sila sumusuko para i-guide tayo,” bahagi ni Jalalon. Gayunpaman, inabutan din niya ng pagkain ang mga vendor na nadadaanan nila sa tuwing mamamahagi ng miryenda. Pagsasariwa niya “Unforgettable moment ko ‘yung inaabot mo ‘yung tulong tapos makikita mo sa kanila na masaya sila.”

Bagama’t maraming naapektuhan sa pandemikong ito, nakaka-proud makita ang ilan sa mga atletang naghahatid pa rin ng tulong kahit na apektado rin naman sila kung tutuosin. Huminto man ang mga laro, natigil man ang entertainment na hatid ng mga atleta ng isports, tuluy-tuloy naman ang pagpaparamdam nila sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa. Mabuhay ang mga atletang may ginintuang puso!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with