^

PSN Palaro

Letran Knights ready para sa NCAA Season 95

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anumang araw man simulan ang NCAA Season 96 ay magiging handa ang Letran Knights para sa pagdedepensa ng kanilang senior basketball crown.

Ginagamit ni head coach Bonnie Tan ang online app na Zoom para makakonekta sa kanyang mga Knights na ang karamihan ay nasa probinsya.

“We’re zooming weekly including coaches because most of my players are still in the province,”  wika ni Tan, gumiya sa Letran sa NCAA championship noong nakaraang taon laban sa San Beda Red Lions.

Ang basketball ang isa sa apat na mandatory sports na pinaplano ng Season 96 host Letran na gawin sakaling luwagan ng gobyerno ang community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ikinukunsidera naman ng NCAA ang pagdaraos ng volleyball, track and field at swimming.

Naplantsa na ni Tan ang summer enrollment nina rookies Joseph Brutas, Kenny Rogers Rocacurva at Jay Pangalanan na inaasahang sasalo sa naiwang trabaho nina Jerrick Balanza, Christian Ba­lagasay at Bonbon Batelier.

Ang 21-anyos na si Brutas ay naglaro para sa Diliman College  habang si Rocacurva ay isang wingman mula sa Cebu Institute of Technology-University at ang 6-foot-9 na si Pa­ngalangan ang bahala sa frontcourt ng Letran.

Magbabalik naman si 6’6 Christian Fajarito sa Knights matapos maglaro sa MPBL.

Muling makakasama ni Fajarito sina Fran Yu, Larry Muyang at Jeo Ambohot.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with