^

PSN Palaro

UAAP opening sa first quarter ng 2021?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines na buksan ang Season 83 sa unang bahagi ng 2021.

Ito ang isa sa mga pinag-aaralan ng UAAP management committee dahil kailangan ng mga opisyales na magdesisyon base sa patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay UAAP exe­cutive director Rebo S­aguisag, ilang mahaha­lagang puntos ang kailangang isaalang-alang gaya ng pagbabawal ng gobyerno na magsagawa ng mga mass gatherings.

Kabilang din ang direktiba ng Philippine Sports Commission (PSC) na “no vaccine, no sport.”

Lilinya rin ang UAAP alinsunod sa inihayag ng Department of Education ng pagbubukas ng klase sa Agosto 24 para sa e­lementary at high school, at Setyembre 1 naman na anunsiyo ng Commission on Higher Education para sa college students.

Bibigyan din ng UAAP ng konsiderasyon ang mga apektado sa usapin sa playing eligibility kung saan papayagang makapaglaro ang lahat ng may fifth-year playing year na hindi natapos ang mga torneo noong Season 82.

Kasama rito ang mga student-athletes na lampas na sa age limit na 25-anyos.

Kailangang kasama ito sa lineup sa nakanselang Season 82 at kasaluku­yang naka-enroll sa unibersidad para makapaglaro sa Season 83.

Halimbawa na rito ang volleyball tournament na ilang linggo lamang tumakbo bago tuluyang makansela dahil sa coronavirus.

Ilan sa mga volleyball players na may last year playing eligibility noong Season 82 ay sina Kat Tolentino at Jhoanna Maraguinot ng Ateneo de Manila University at Risa Sato ng National University.

Nakatakdang magpulong sa mga susunod na linggo ang UAAP Board of Managing Directors upang plantsahin ang mga plano nito sa Season 83 na itataguyod ng season host De La Salle University.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with