Iwas pusoy
Pilit na kinakasa ni Bob Arum ang unification fight ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao at WBO welterweight king Terence Crawford.
At dahil sa COVID-19, sa 2021 ito pwede mangyari. Sabi ni Uncle Bob, sa Asia o sa Middle East. At kung humirit ang Las Vegas, pwede rin.
‘Yan ang pantasya ni lolo.
Big fight nga naman ito. Tiyak na bebenta sa live audience o sa pay-per-view.
Dalawa ang hangarin ni Uncle Bob. Una, kumita nang malaki bilang co-promoter ng laban at manager ni Crawford.
Pangalawa, kung magtagumpay si Crawford ay siguradong aangat ang value niya. Magiging legitimate superstar siya. Mas malaki ang kikitain ni Arum sa mga susunod niyang laban.
Kaya kung maikasa ang fight, si Uncle Bob ang sure winner.
Baka mapusoy tayo.
Ang tanong ngayon ay kung kakasa ang 41-year-old na senador.
Hindi maganda ang hiwalayan ni Pacquiao at ni Arum at maaaring never na gagawa ng business si Pacquiao sa 88-year-old na American promoter.
Marami naman ibang makakalaban si Pacquiao bukod kay Crawford. Mga boxers na kasama niya sa kuwadra ng Premier Boxing Champions.
Kaya kung hindi ito matuloy, hindi ibig sabihin na umiiwas si Pacquiao kay Crawford na 32 years old at undefeated in 36 fights with 26 knockouts.
Si Uncle Bob ang iniiwasan ni Pacquiao.
- Latest