^

PSN Palaro

Pogoy nagdiyeta para gumanda ang laro

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pogoy nagdiyeta para gumanda ang laro
Roger Pogoy
STAR/File

MANILA, Philippines — Alam ni TNT Katropa big guard Roger Pogoy na hindi niya magagawa ang kanyang gusto sa loob ng court kung wala siya sa kondisyon.

Kinailangan ng 2017 PBA Rookie of the Year na sumailalim sa isang less-carb diet na pinagawa sa kanya ni dietician at nutrition coach Jeaneth Aro.

“Binago ‘yung diet ko, nagpagaan ako ng timbang, bawas-bawas ako sa rice, and more on healthy foods ang kinakain ko,” wika ni Pogoy sa isang episode ng PBA Kamustahan podcast.

Sa nakaraang PBA season ay nagtala si Pogoy ng mga averages na 18.3 points, 5.7 rebounds at 1.6 assists at 40 percent sa three-point range.

Matinding sipag at tiyaga rin ang ginawa ng Cebuano star para makatulong sa Tropang Texters ni active consultant Mark Dickel.

“Alas-nuwebe ‘yung ensayo pero 6:30 pa lang nandoon na kami ni (coach) Mark, nag-e-extra na kami,” ani Pogoy. “Siguro doon ko nakuha ‘yung ganda ng laro ko.”

Sa nakaarang PBA Governor’s Cup ay kumamada ang dating King Tamaraw ng Far Eastern University ng mga averages na 20.2 points, 5.2 rebounds at 1.9 assists para ipasok ang TNT Katropa sa semifinals series.

Yumukod ang Tropang Texters sa Meralco Bolts, 3-2, sa kanilang best-of-five semis wars.

vuukle comment

ROGER POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with