^

PSN Palaro

POC election tuloy — Bambol

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon
POC election tuloy � Bambol
Abraham “Bambol” Tolentino
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang itinakdang eleksyon ng Phi­lippine Olympic Committee sa Nobyembre sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

“Most probably it will push through as mandated in our constitution,” wika kahapon ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino ng cycling na tumalo kay Philip Ella Juico ng athletics association para sa top post noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sinalo lamang ni Tolentino ang naiwang termino ni boxing head Ricky Vargas na bumaba ng kanyang puwesto.

Naksaad sa POC cons­titution and by-laws na maaaring ihayag ng mga lalaban kay Tolentino ang kanilang hangarin sa huling linggo ng Nobyembre.

Noong nakalipas na buwan ay inihayag ng International Olympic Committee na hahayaan nila ang mga National Olympic Committees na magdesis­yon kung susundin ang four-year term.

Maaari ring sundan ng mga NOCs ang Olympic Games cycle at gawin ang kanilang mga eleksyon sa susunod na taon matapos ipagpaliban ang 2020 Tokyo Games bunga ng COVID-19 pandemic.

Nilinaw din ng IOC na puwede nilang bigyan ng extension ang inisyal na termino ng mga NOC presidents, ngunit ito ay limitado lamang.

vuukle comment

ABRAHAM “BAMBOL” TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with