^

PSN Palaro

Mga sports events pinahihintulutan na sa MGCQ?

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Nagpahayag ang Inter Agency Task Force ng guidelines ukol sa pagpapahintulot nito na maaari nang maganap ang mga pagpupulong kahit hindi ito esensiyal. Ibig sabihin, ang mga event sa isports ay magbubukas ng muli sa ilalim ng Modified General Community Qua­rantine. Ngunit 50 porsiyento lamang na kapasidad ng venue o seating capacity ang pahihintulutan nila.

Ang mga indoor at outdoor na non-contact sports maging iba pang uri ng ehersisyo katulad ng paglalakad, jogging, takbo, biking, golf, skateboarding, badminton, swimming, tennis at equestrian ay papayagan ng bumalik. Siyempre, mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask at pagpapamalas ng social distancing.

Masakit lang malaman na ang isports katulad ng basketball, volleyball at martial arts ay hindi pa kasama ngayon sa maaari nang magbalik aksyon. Siguradong maraming atleta ng basketball sa PBA at MPBL, ma-ging sa larangan ng volleyball sa PSL, PVL, UAAP, NCAA at Spiker’s Turf ang larung-laro na ngayon. Hindi lang sila ang nakaka-miss sa isports, tiyak na libu-libong mamayang Filipino na humahanga sa mga atleta at tumatangkilik ng isports sa bansa ang nakaka-miss na rin sa kanila.

Ngunit ang mga gym ay maaari lamang mag-operate sa ilalim ng limited basic operations.

Inaasahang mapasailalim na ng General Community Quarantine ang buong Metro Manila sa ika-unang araw ng Hunyo.

Tuloy lang ang pagiging positibo na darating din ang panahon kung saan muli tayong babalik sa normal. Sa ngayon, magpapatuloy ang pagpapakadalubhasa sa larangan ng isports ang mga atleta kahit na sa bahay lang ang lahat. Manalig tayo, malalagpasan din natin ito.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with