Grupo ni Valdez nakapamahagi na ng PPEs
MANILA, Philippines — Tuloy ang grupo ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa pagkalap ng pondo para sa personal protective equipment (PPE) na ipamamahagi sa mga frontliners.
Sa pamamagitan ng Volleyball Community Gives Back (VCGB), nakabili na ng 2,000 PPEs ang proyekto na naipamahagi sa iba’t ibang parte ng bansa.
Kabilang sa mga nakinabang ang mga ospital at health centers sa Sultan Kudarat, Quezon Medical Center Batangas, Aklan, Puerto Galera, Cebu, Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro, Muntinlupa at Quezon City.
Nakakalikom ng pondo ang VCGB sa pamamagitan ng auctions at raffles mula sa mga personal na gamit ng mga atleta at coaches gayundin ng ilang showbiz personalities.
Katuwang ni Valdez sa proyekto sina Charo Soriano, Amy Ahomiro, Gretchen Ho, Aby Maraño at Amanda Villanueva.
- Latest