^

PSN Palaro

Team owners, players pinili ang Disney World sa Florida bilang venue sa pagbabalik ng NBA Season

Pilipino Star Ngayon
Team owners, players pinili ang Disney World sa Florida bilang venue sa pagbabalik ng NBA Season
Adam Silver
STAR/ Filr

NEW YORK -- Ang Disney World sa Orlando, Florida ang venue na pinapaboran ng mga NBA teams sakaling ibalik ang nadiskaril na 2020 season.

Naungusan ng Orlando ang Las Vegas bilang top neutral-site candidate para sa opinyon ng mga koponan.

Noong Marso 12 ay sinabi ni NBA Commissio­ner Adam Silver na gusto niyang magdesisyon sa loob ng apat na linggo kung ibabalik ang season na sinuspindi noong Marso 11 matapos magpositibo si Utah Jazz All-Star center Rudy Gobert sa coronavirus disease.

Ayon sa ESPN, nagkasundo si Silver at ang mga team owners sa pagpili sa “campus environment” para sa kalusugan at kaligtasan ng mga players at teams pati na ng general public.

Nakatakdang maglabas ang liga ng protocols sa susunod na buwan hinggil sa pagbabalik ng mga out-of-town players sa mga koponan.

Sa Hulyo ay inaasa­hang maibabalik ang season.

vuukle comment

ADAM SILVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with