^

PSN Palaro

Closed-door muna dapat ang mga PBA games — Guiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Closed-door muna dapat ang mga PBA games � Guiao
Yeng Guiao
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa Agosto ay inaasa­hang gagawa ng desisyon ang PBA Board of Governors kung itutuloy ang nadiskaril na 45th Season o tuluyan na itong kakanselahin.

Sakali mang ibalik ng PBA ang mga laro ay dapat muna itong gawin nang walang mga fans sa venue para sa proteksyon ng lahat laban sa coronavirus di­sease (COVID-19).

“Kung gusto natin manood, huwag muna tayo sa venue. TV tayo, livestream tayo, kung wala, sa radyo. I guess we can still all enjoy it that way,” wika ni NLEX coach Yeng Guiao sa isang coaching webinar ng Hoop Coaches International. “Mas mabuti ‘yun kesa wala.”

Tatlong araw matapos buksan ang 2020 PBA Phi­lippine Cup noong Marso 8 ay sinuspindi ng PBA ang season nang ilagay sa enhanced community quarantine ang Luzon dahil sa COVID-19.

Ipinagbawal din ng liga ang anumang team practice at scrimmages sa lahat ng 12 miyembrong koponan.

Ang paglalatag sa isang two-conference format ang isa sa mga opsyon na tini-tingnan ng PBA Board.

Pagsapit ng Agosto ay inaasahan ni PBA Commissioner Willie Marcial na papayagan na ang mga mass gathering na kasalukuyang ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Hopefully, by that time, medyo okay na, and allowed na ang gathering for a sports event, like the PBA,” ani Marcial

Kasalukuyang i­nilagay ng IATF ang Metro Manila sa modified ECQ, ngunit mananatiling sarado ang mga sports facilities.

“Ang gusto ko sana, slowly, magkaroon na ng gradual opening,” sabi ni Guiao.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with