Paul gustong matiyak ang kaligtasan ng mga players sa oras na ibalik ang NBA Season
OKLAHOMA CITY - Walang dudang sabik na sabik na ang mga NBA players na bumalik sa court at maglaro.
Ngunit gusto munang matiyak ni NBA players association president Chris Paul na ligtas ang mga players sa coronavirus disease (COVID-19).
“A lot of hard conversations that have to be made, a lot of hard decisions,” wika ni Paul sa kanyang ESPN appearance sa “The Jump” kahapon.
Sinuspindi ang NBA season noong Marso 11 matapos magpositibo si Utah Jazz center Rudy Gobert sa COVID-19.
May 40-24 record, nasa posisyon si Paul at ang Oklahoma City na makapasok sa playoffs.
Ngunit wala pang katiyakan kung maibabalik ang regular season ng liga.
- Latest