^

PSN Palaro

PBA mahihirapan sa pagharap sa COVID-19 -- Pangilinan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA mahihirapan sa pagharap sa COVID-19 -- Pangilinan

MANILA, Philippines — Walang nakakaalam kung kailan ibabalik ang nadiskaril na 45th season ng Philippine Basketball Association.

Maski si Manny V. Pa­ngilinan ng MVP Group of Companies na humahawak sa TNT Katropang Texters, Meralco Bolts at NLEX Road Warriors.

“Hindi ko alam kung anong final decision nila,” wika ni Pangilinan sa pa­nayam ng “The Chiefs” sa One News ng Cignal TV sa PBA Board of  Governors. “Sinabi ko kay chairman Ricky Vargas, why don’t you try these games, para may mapanood tayo.”

Tatlong araw matapos buksan ang 2020 PBA Phi-lippine Cup noong Marso 8 ay sinuspindi ng PBA ang season dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon at ibang probinsya.

Ito ay bunga ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Ilan sa mga iniisip ng PBA Board of Governors ay ang pagkakaroon na lamang ng two-conference o ang tuuyan nang pagkansela sa buong season.

Sa Agosto ay inaasahang magkakaroon ng pinal na desisyon ang PBA Board, ayon kay Commissioner Willie Marcial.

“(As of now) wala sa radar ko (ang sports) pero nami-miss ko definitely,” sabi ng businessman/sportsman na nakatutok ngayon sa pagsuporta sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa San Miguel Corporation ay isa rin ang MVP Group of Companies sa mga tumutulong sa pagbibigay ng donasyon sa mga apektado ng CO­VID-19 at mga personal protective equipment (PPEs) sa mga frotnliners.

“We are planning to invest more in the hospital business. Yes, we really need to expand our healthcare business from primary, secondary to tertiary healthcare,” ani Pangilinan.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with