Durant hindi maglalaro kung ibabalik ang NBA Season
NEW YORK -- Kahit muling magbukas ang NBA season ay hindi pa rin maglalaro si Brooklyn Nets superstar forward Kevin Durant.
Bibigyan ng Nets nang sapat na panahon ang four-time scoring champion ngayong season kesa muling ma-injure ang kanyang right Achilles tendon.
Kamakalian ay sinabi ni Brooklyn general manager Sean Marks na posibleng maglaro si Durant kung ibabalik ng NBA ang 2019-20 season na sinuspindi noong Marso 11 makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Utah Jazz center Rudy Gobert.
“Our performance team and training staff have done a tremendous job getting him to this point, but I just don’t know how coming out of this pandemic will affect anybody, let alone Kevin,” ani Marks.
Nakuha ng 31-anyos na si Durant ang kanyang injury sa Game 5 ng nakaraang 2019 NBA Finals bilang miyembro ng Golden State Warriors.
Matapos matalo ang Warriors sa Toronto Raptors sa kanilang title series ay lumagda si Durant sa four-year, $164 million deal sa Nets bilang isang free agent noong Hulyo.
Ang 10-time All-Star forward ang hinirang na Most Valuable Player noong 2013-14 habang naglalaro para sa Oklahoma City Thunder.
Siya ay isang two-time NBA Finals MVP para sa Warriors.
- Latest