^

PSN Palaro

Casimero sasalang na sa Hunyo?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Casimero sasalang na sa Hunyo?

MANILA, Philippines — Mas naglilinaw na ang kapalaran ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero na makabalik sa ibabaw ng ring matapos ihayag ng Top Rank Promotions na magbabalik ang operas­yon nito sa Hunyo.

Mismong si Top Rank chief Bob Arum ang nagbigay ng pahayag ngunit nilinaw nito na plano ng kanyang grupo na idaos ang mga laban sa isang closed-door venue dahil patuloy na dumarami ang kaso ng coronavirus d­isease 2019 (COVID-19) sa Amerika.

Sinabi ni Arum na t­anging ang mga boksi­ngerong nasa Amerika ang prayoridad ng Top Rank dahil sa travel ban na ipinatutupad sa naturang bansa.

“We are going to start by June. Unfortunately, we are going to use fighters who are now already in the United States because it is tough to get players abroad,” wika ni Arum.

Pangunahing makikina­bang sa naturang desisyon si Casimero na kasaluku­yang nasa Las Vegas, Nevada habang naghihintay ng kanyang laban.

Nakatakda sanang harapin ni Casimero si Japanese fighter International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Naoya Inoue noong Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.

Ngunit isa ang Casi­mero-Inoue fight sa mga nakanselang laban dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Kundisyon na kundis­yon ang katawan ni Casimero dahil hindi ito tumigil sa ensayo.

Kaya naman handa ang Pinoy champion na harapin sino man ang itapat sa kanya.

Kung makakarating si Inoue sa Amerika, posibleng matuloy ang kanilang paghaharap. Subalit kung hindi, walang magagawa si Arum kundi ang humanap ng ibang makakasagupa ni Casimero.

vuukle comment

JOHNRIEL CASIMERO

WORLD BOXING ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with