^

PSN Palaro

Pagdaraos ng sports events may mga kondisyon na dapat sundin

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pagdaraos ng sports events may mga kondisyon na dapat sundin
PSC Chairman William Ramirez
Philippine Sports Commission

MANILA, Philippines — Mayroong ilang sports events na maaaring gawin sakaling tuluyan nang alisin ang enhanced community quarantine sa National Capital Region at ilang probinsya.

Ngunit may mga kondisyon na dapat sundin habang wala pang nadidiskubreng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ilan sa mga sports na binanggit ni Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez sa Inter-Agency Task Force (IATF) ay ang golf, running, hiking, badminton singles event, softball, baseball, skateboarding, tai chi, kung-fu, taekwondo singles event at online chess.

Kailangan sundin sa pagdaraos ng mga nasabing sports events ang protocol na inilatag ng IATF laban sa COVID-19.

Kamakailan ay sinabi ni Ramirez na kinansela na ng PSC Board ang mga sports events para ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga ito ay ang taunang Philippine National Games at Batang Pinoy habang iniurong na rin ng sports agency ang pagbibigay ng financial assistance para sa 10th ASEAN Para Games.

“Until a vaccine is found, we can not really organize and hold sports the way we used to before COVID-19,” wika ni Ramirez.

Ginawa na ring mga quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 ang Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Vito Cruz, Manila at ang Philsports Complex sa Pasig City.

Ang nasabing mga pasilidad ay nasa ilalim ng pa­ma­mahala ng PSC.

vuukle comment

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with