^

PSN Palaro

PBA mapipilitang kanselahin ang Season 45

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA mapipilitang kanselahin ang Season 45
Willie Marcial
Wikipedia.org

MANILA, Philippines — Posibleng kanselahin ng Philippine Basketball Association ang buo nilang 45th season.

Ito ay kung magtatagal pa ang extended Enhanced Community Qua­rantine (ECQ) sa Metro Manila at General Community Quarantine (GCQ) sa ilang probinsya dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Mula sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease ay bawal ang mga “sports-related mass g­atherings” sa ilalim ng ECQ at GCQ.

Kasama rin dito ang mga training, games, tournaments, championships.

“Sapol talaga tayo,” wika kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial sa epekto ng ECQ at GCQ sa nadiskaril na 2020 Philippine Cup na binuksan noong Marso 8 bago suspindihin ang mga laro matapos ang tatlong araw.

Ipinagbawal din ng liga ang mga scrimmages at practices ng 12 koponan.

Nakatakdang magpulong ang PBA Board of Governors sa pamamagitan ng isang teleconfe-rence para pag-usapan ang susunod nilang hakbang matapos palawigin ng pamahalaan ang ECQ sa Metro Manila at ilagay sa GCQ ang ilang probinsya.

Sa unang pulong ng PBA Board of Governors ay tinitingnan nila ang pagkakaroon lamang ng two-conference format.

Ayon kay Marcial, hindi nila isusugal ang kaligtasan at kalusugan ng mga pla­yers, officials at fans.

Hindi rin kinatigan ng PBA Commissioner ang mga closed doors games bilang opsyon sakaling alisin ang ECQ at GCQ.

“Sa regular double-headers, hindi pa rin bababa sa 300 ang tao natin, so we will still draw mass gathering,” wika ni Marcial. “Whatever it is, talagang malaki ang apekto sa PBA.”

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with