^

PSN Palaro

Pacquiao may pinaghahandaan?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao may pinaghahandaan?
Manny Pacquaio
STAR/ File

Walang puknat sa ensayo

MANILA, Philippines — Tuloy sa kanyang workout sa bahay si eight-division world champion at reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao.

Walang puknat sa ensayo ang Pinoy champion na sumasalang na sa mas matitinding workout - bagay na mas lalong nagpalakas sa posibilidad na matuloy ang inaasam na rematch nito kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Kita sa kanyang mga videos sa Facebook ang paggugol nito ng oras sa training - mula sa sim­pleng running sa treadmill hanggang sa mabibigat na pagsalang sa heavy bag at shadow boxing.

Makailang ulit ding nasilayan na sinasanay ni Pacquiao ang kanyang anak na si Jimuel - ang itinuturing na susunod sa kanyang yapak.

Ganito rin ang mga ginagawa ni Mayweather sa kanyang gym sa Las Vegas, Nevada.

Sumalang ang American fighter sa magagaan na workout at ilang sparring session na lubos na nagpa-excite sa mga bo-xing fans dahil posibleng hudyat ito ng pagbabalik ni Mayweather sa boksing.

At sa tuwing nababanggit si Mayweather, walang ibang nasa isip ang lahat kundi ang maikasa ang inaabangang Pacquiao-Mayweather rematch.

Sa kanyang bagong post sa Instagram, ipinagmalaki ni Mayweather ang kanyang 50-0 undefeated record kung saan nakapaskil ang larawan ng 16 world champions na mga tinalo nito kabilang na sina Pacquiao, Mexican fighter Juan Manuel Marquez at Golden Boy Oscar De La Hoya.

Kaya naman malaki ang posibilidad na matuloy na ang inaabangang Pacquiao-Mayweather rematch na inaasahang mu­ling tatabo sa takilya.

vuukle comment

MANNY PACQUAIO

WBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with