^

PSN Palaro

Pinoy boxers suportado si Marcial sa planong pagpasok sa pro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy boxers suportado si Marcial sa planong pagpasok sa pro
Eumir Felix Marcial
Eumir Felix Marcial FB Page

MANILA, Philippines — Patuloy ang buhos ng suporta para kay Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa plano nitong pagpasok sa professional boxing.

Mismong ang mga kapwa Pinoy boxers nito sa national team ang nagbigay ng buong suporta kabilang na sina AIBA Women’s World Cham­pionship Nesthy Petecio, Tokyo Olympics qualifier Irish Magno at Southeast Asian Games Charly Suarez.

Nilinaw naman ng mga Pinoy pugs na suportado nila si Marcial kung hindi maaapektuhan ang kanyang paghahanda para sa Olympics na idaraos sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.

Base sa mga naglaba­sang ulat, bibigyan ng P10 milyon hanggang P15 milyong signing bonus ng promoter at hindi rin haharangin  ang pangarap ni Marcial na makasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Kaya naman para kay Petecio, magandang oportunidad ito para kay Marcial.

“Support lang ako lagi sa kanya, alam naman niya ‘yan. Kahit naman kasi mag-pro siya, makakalaro pa rin siya sa Olympics. Pero yung decision nasa kanya. Support lang ako,” ani Petecio.

Alam naman ni Magno ang kapasidad ni Marcial.

At tiwala itong malaki ang potensiyal ni Marcial na magtagumpay hindi lamang sa amateur maging sa professional level.

“Malaki ang tiwala namin sa kanya na kaya niyang maka-gold sa Olympics dahil talagang maga­ling siya. Kahit mag-pro siya o hindi, alam namin na kaya niyang maka-gold,” ani Magno na makakasama ni Marcial sa kampanya sa Tokyo Olympics.

Nagbigay naman ng payo si Suarez na isa na ring professional boxer ngunit sumasalang pa rin sa amateur tournaments gaya nang pagsabak nito sa 2019 SEA Games sa Manila.

“Hindi naman sukatan yung pagpasok sa pro para manalo sa Olympics, Magkakatalo ‘yan sa dasal, training, determination, goal and discipline. Kung ibigay sa kanya para talaga sa kanya ‘yan. Pero 500 percent suportado ko siya,” ani Suarez.

Wala pang pinal na desisyon si Marcial. Nakatakda pa itong makipag-usap sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bago magbigay ng desisyon.

Una nang inihayag ni Marcial na nais nitong mag-pro kung hindi naman ito makaaapekto sa kanyang tangkang maibigay ang kauna-unahang gintong medalya  Pilipinas sa Olympic Games.

vuukle comment

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with