^

PSN Palaro

PAGCOR patuloy ang pagbibigay ng kontribusyon sa PSC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nakapagbigay na sila sa Philippine Sports Commission (PSC) ng P150.75 milyon noong Marso 31 para sa buwan ng Pebrero bilang kanilang kontribusyon.

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na wala pang naibibigay na pondo ang PAGCOR sa sports agency.

Ipapatupad ng PSC ang Social Amelioration Program ng pamahalaan para sa mga national athletes at coaches sa pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fernandez, ang pondo para sa SAP ay kukunin nila sa PAGCOR.

Sinabi ng state-gaming agency na nailuwal na nila ang P99.42 milyon sa PSC para sa buwan ng Marso, ngunit ang tseke ay hindi pa kinukuha ng komisyon.

Kabuuang P409.01 milyon ang naibigay na kontribusyon ng PAGCOR sa PSC mula Enero hanggang Marso.

Kumpara noong nakaraang taon ay bumaba sa 4.7 porsiyento ang kontribusyon ng PAGCOR sa PSC bunga ng suspensyon sa mga gaming operations sa bansa dahil sa COVID -19 pandemic.

Noong 2019 ay nakapagbigay ang PAGCOR sa PSC ng P1.79 bilyon, hindi pa kasama ang P842 milyong kontribusyon ng state-gaming agency para sa rehabilitasyon ng Philsports Complex Multipurpose Arena sa Pasig City at Rizal Memorial Complex sa Malate, Manila para sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with