^

PSN Palaro

Casimero gigil nang banggain si Inoue

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Casimero gigil nang banggain si Inoue
Johnriel Casimero, Naoya Inoue

MANILA, Philippines — Hindi nabago ang atensiyon ni World Bo­xing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero dahil nakasentro pa rin ito sa tangkang agawin ang dalawang koronang hawak ni Japanese fighter Naoya Inoue.

Nagulantang ang buong mundo sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo dahilan upang makansela ang lahat ng malalaking sporting events gaya ng NBA.

Hindi nakaligtas ang boxing community dahil kasama ang laban nina Casimero at Inoue sa mga ipinagpaliban upang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng mga boksingero maging ng mga opis­yales at fans na daragsa sa venue.

Nakatakda sana ang laban sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada su­balit kinansela ito ng mga organizers base na rin sa utos ng Nevada Athletic Commission.

Wala pang opisyal na anunsiyo kung kailan ang bagong petsa ng laban.

Kaya naman hindi tumigil si Casimero sa ensayo dahil target nitong maisakatuparan ang kanyang misyon.

Ang patahimikin si Inoue at agawin ang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight belts na kasalukuyang hawak nito.

Gigil nang makasagupa ni Casimero si Inoue - ang boksingerong tumalo kay Nonito “The Filipino” Flash Donaire sa finals ng World Boxing Super Series noong Nobyembre sa Saitama, Japan.

Wala pang talo si Inoue.

At hangad ni Casimero na siya ang unang dumu­ngis sa imakuladang rekord ng Japanese pug.

vuukle comment

JOHNRIEL CASIMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with