^

PSN Palaro

Palarong Pambansa tuluyan nang kinansela?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Palarong Pambansa tuluyan nang kinansela?

MANILA, Philippines — Isusulong ng Department of Education (DepEd) na pormal nang kanselahin ang 2020 edisyon ng Palarong Pambansa dahil na rin sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Una nang ipinagpaliban ng DepEd ang 2020 Pala-rong Pambansa.

Ngunit sa pagkakataong ito, target ng DepEd na tuluyan nang kanselahin ang annual multisporting event.

Mismong si DepEd spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla ang nagpahayag ng naturang plano.

Nakatakdang magpulong ang Palarong Pambansa board na binubuo ng mga opisyales ng DepEd, Philippine Sports Commission at Department of Interior and Local Government para desisyunan ito.

Occidental Mindoro ang orihinal na host ng 2020 Palarong Pambansa subalit nag-backout ang probinsiya matapos ang Bagyong Tisoy na tumama sa rehiyon.

Sinalo ang hosting rights ng Marikina City. Ngunit ipinagpaliban ito noong Marso dahil sa paglala ng coronavirus sa bansa.

Kung matutuloy ang terminasyon, hindi ito ang unang pagkakataon na nakansela ang Palarong Pambansa.

Sa nakalipas na dalawang dekada, hindi ginanap ang Palarong Pambansa noong 2001 dahil sa kakulangan sa pondo at security concerns sa Tubod, Lanao del Norte.

Noong 2004, wala ring idinaos na Palarong Pambansa dahil sa National Elections.

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with