^

PSN Palaro

Yulo, Didal kabilang sa Forbes top 30

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding sa pamosong The 2020 30 Under 30 for entertainment and sports ng pamosong Forbes.

Napili ang 19-anyos na si Yulo dahil sa kanyang matagumpay na kampanya sa FIG World Artistic Gymnastics noong nakaraang taon sa Stuttgart, Germany gayundin sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap naman sa Maynila.

Nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa men’s floor exercise upang ma­ging kauna-unahang male gymnast sa Southeast Asia na nagwagi ng ginto sa World Artistic Gymnastics.

Maliban dito, humakot din si Yulo ng dalawang ginto at limang pilak na medalya sa Manila SEA Games para tulungan ang Team Philippines na masikwat ang ikalawang overall chamionship title sa biennial meet.

“Carlos Yulo is a Filipino gymnast who became the first male athlete in Southeast Asia to win a gold medal at the World Artistic Gymnastics Championships in 2019, when he won the men’s floor exercise. His debut appea­rance at the 2019 Southeast Asian Games also earned Yulo two gold and five silver medals,” ayon sa inilabas ng Forbes.

Ang kanyang tagum­pay sa world meet ang nagdala kay Yulo para maging kauna-unahang Pinoy qualifier sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.

Sa kabilang banda, naging basehan ng Forbes ang impresibong kampanya ni Didal sa 2018 Asian Games na ginanap sa Palembang, Indonesia kung saan naibulsa nito ang isa sa apat na gintong medalya ng Pilipinas sa quadrennial meet.

Nakadalawang ginto rin si Didal sa Manila SEA Games - sa women’s game of skate at sa street skateboarding.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kikilalanin si Didal ng isang world-class organization dahil noong 2018 napasama na ito sa 25 Most Influential Teens of 2008 ng prestihiyosong Time magazine.

Binabantayan ng Forbes ang mga pausbong na atleta at personalidad na inaasahang mabibigyan ng spotlight sa mga susunod na taon.

“Spotlighting the next generation of talent - on the court and the silver screen,” ayon sa Forbes.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with